Chapter 47 REGINA'S POV Matapos ang isang araw na pananatili sa Hospital, tuluyan na rin silang naka uwi. Buong pag aalalay sa'kin ni Alexander hanggang sa maka uwi kami sa bahay. Ginala ko ang aking paningin sa loob nang bahay naming dalawa ni Alexander, at naka ramdam ako ng kakaibang lungkot na hindi ko maipaliwanag. Nauna nang umuwi ang aking mga magulang pabalik sa Maynila dahil may mahalaga silang dapat asikasuhin at dapat gawin doon. Nag paiwan na lamang si Kuya Reynard para mag hatid sa'min sa Maynila. "Gusto mo bang mag pahingga muna mahal sa silid," umiling na lang ako sakaniya. Ala una pa lang nang hapon no'n at napaka init sa paligid. "Hindi na siguro mahal, dito na lang muna ako sa sala," matamlay kong tinig at inalalayan niya akong maupo sa couch, para maging komportab

