Chapter 46 ALEXANDER'S POV Tahimik akong naka upo sa waiting area habang hinihintay na lumabas ang pamilya ni Regina sa silid. Mas pinili ko na lang na lumabas para mag karoon naman sila nang oras sa isa't-isa. Alam kong sabik na maka sama muli ang kanilang anak. Napa-anggat na lang ako nang tingin nang makita ko ang pares ng sapatos na tumigil sa harapan ko. Tinignan ko kong sino iyon, at nakita ko si Reynard na naka tayo sa harapan ko. Napaka talim at seryoso ang kaniyang tingin, na kahit hindi ito mag salita ramdam ko ang pag pipigil nito sa harapan ko. "Bakit mo ito ginagawa Alex?" Malagong na tinig nito at umayos ako ng pag kakatayo. "Hindi kita maintindihan." Napa-ngisi na lang ito sa sinabi ko. "Huwag kanang mag maang-maangan!" Naging matalim ang tinig nito. "Hindi kita mai

