Chapter 40 Nagising ako nang madama ang malamig na hangin na humahampas sa aking balat. Doon ko lang napag tanto na mag-isa na lang pala ako sa tahimik na silid. "Alex?" Katahimikan ang sumagot sa'akin at umupo ako sa malambot na kama. Nag aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at tantya ko pasado alas singko na nang dapit ng hapon ng sandaling iyon. Buong ingat ako bumaba sa kama, at sinuot ang tsinelas. Tangka sana akong lalabas sa silid, nang may isang bagay ang nag paagaw ng aking atensyon. Ano iyon? Isa lamang iyon na kulay chocolate na box na naka patong sa ibabaw ng kama. Dala ng kuryusidad, buong ingat akong lumapit para lamang pag masdan iyon ng kabuuan. Baka ang pag tataka sa aking mukha dahil may kulay ribbon na disenyo doon na mukhang mamahalin. "Ano ito?" Saad ko at n

