Chapter 39 ALEXANDER'S POV [Asan ka ba Alexander? Galit na galit ang Papa mo sa'yo, na hindi ka sumipot kahapon. Inaasahan ka niya ngayon dito! Ano ba kasi ang nangyari ha?]Tinig ng kaniyang Mama sa kabilang linya. s**t. [Binuntong niya lang sa mga staff ang galit na nadarama niya sa'yo!] Pinikit ko ang aking mga mata sa sinabi nito. Sinabi na nga ba't, ito ang mangyayari. "Pasensiya na talaga Mom, may importante lang talaga akong aasikasuhin dito, kaya't hindi muna ako makakabalik diyan." [Ganun na lang ba ka-importante ang bagay na iyan, kaysa sa trabaho mo dito sa Maynila?] Mahina at puno ng diin nitong sambit. [Akala ko ba maayos na ang lahat, pero bakit bigla atang nag bago ang desisyon mo? Bumalik kana dito sa Maynila at baka tuluyan kanang itakwil ng Papa mo, diyan sa katigasan

