Chapter 7

1480 Words
“Hah!” Nagising si Damien na pinagpapawisan. Napaupo siya sa kanyang higaan at ginulo ang buhok niya. Hinihingal si Damien na hinila ang buhok habang inalala ang masamang panaginip na tila bangungot para sa kanya. Gabi-gabi niya itong napapanaginipan at hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang kanyang isipan. Hubad-baro si Damien na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tinignan ang oras sa kanyang cellphone. Gaya ng dati, hating-gabi na at nagising na naman siya. Nakita niya rin ang petsa ngayon at napamura siya. Ang araw na ito ay siyang anibersaryo nang namayapa niyang nobya na pakakasalan na niya sana. “Bakit? Bakit sa lahat ng nawala siya pa?!” Puno nang hinanakit na turan ni Damien sa sarili. Lugung-lugo siya. Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog lalo na ngayon. Tumayo siya at naglakad papunta sa terasa ng kanyang kuwarto. Walang pakialam si Damien kahit na umuulan at mahangin pati ang panahon ay nakikidalamhati sa kanya kahit na ilang taon na ang nakalipas. Pinagmasdan niya ang makulimlim na langit habang nababasa siya. Tandang-tanda niya ang mukha ng namayapang nobya at hindi ito maalis sa kanyang isipan. The loneliness he’s feeling right now will be forever as he promised her that he won’t love another woman beside her. Ngunit, hindi ba naisip ni Damien kaya marahil hindi sila para sa isa’t-isa dahil may ibang nararapat at mas nakakahigit pa sa dati nitong nobya? Hindi niya ba naisip na baka ito’y pagsubok lamang sa kanya at nais malaman ng tadhana kung gaano siya katatag at kalakas upang harapin ang bukas? Isa lamang itong paraan ng tadhana upang ipakita sa kanya na hindi lahat ng bagay ay makukuha nito sa isang iglap lamang. Ang tao ay kailangang mabuhay ng may mga pagsubok upang may mapagtagumpayan ito. Life without struggles is boring. Kapag ganoon ang buhay, walang kabuluhan at walang kulay. Wala kang iisipin kundi ang kain-tulog lamang na siyang nakakainip. Ang buhay kapag may pagsubok na kinakaharap mas lalong nagiging makabuluhan mas lalong nagiging kapanapanabik at mas lalong kasiya-siya kapag nalapagsan ang pagsubok. Isa sa mga taong iyon si Damien. Isa siya sa mga taong kailangang harapin ang pagsubok nang sa ganoon ay mahanap nito ang kasiyahang dapat sa puso nito. Bumalik si Damien sa kanyang silid at dumiretso sa kanyang paliguan. Pagkatapos ay nagbihis at naglakad papuntang garahe. Wala siyang oras na pumili ng sasakyan kaya kinuha na niya ang kung anong madampot niyang susi at dumiretso sa sasakyan. Walang emosyon ang mukha ng binata habang inilalabas ang sasakyan nito. He stared emotionless at the front. Nagulat pa ang mga tauhan ni Damien nang lumabas siya ng ganito ang oras. “Sir, madulas po ang daan –“ Hindi na pinatapos pa ni Damien ang tauhan at lumabas na ito matapos buksan ang gate ng estate. Wala nang nagawa ang tauhan niya at napabuntonghininga nalang. Tinahak ni Damien ang isang daanan. Nasa isipan niya ang poot at lungkot ngunit, wala na siyang magagawa pa dahil hindi na niya maibabalik pa ang taong iyon kung sana lang hindi siya nahuli nang mangyari iyon. Mabigat ang damdamin ni Damien. Mabigat na mabigat na pati ang sarili at mga taong nasa paligid niya ay kanyang pinarurusahan. Makasarili na kung makasarili ngunit, kapag naunawaan lamang nila ang nararamdaman ni Damien nais niya muna ang mapag-isa nais niya muna na sarilinin ang lahat ng ito bago niya harapin ang iba. Mahal niya ang pamilya ngayon ngunit mas higit na mahal niya ang babaeng itinatangi ng kanyang puso sa loob nang pitong taon. Hindi basta-basta maalis ang pagmamahal na iyon para sa namayapang kasintahan. Nakakulong pa rin si Damien sa alaala at pag-ibig sa dating kasintahan. Pakiramdam niya ay narito pa rin ito sa paligid ang kasintahan at pinapanood ang bawat galaw niya. Hindi makausad-usad si Damien sa buhay dahil ang alaala nito ay nasa isipan pa rin niya. How can he forget someone he loves dearly? Sa loob nang dalawang taon ng kanilang relasyon bago ito mamatay ay umikot ang buhay niya sa namayapang kasintahan. Tanging ito lamang ang pinag-alayan niya ng singsing at pagmamahal. Tinapakan ni Damien ang selyador ng kanyang sasakyan at pinaharurot ang sasakyan. Wala siyang pakialam kahit na mabilis ang pagmamaneho niya o madulas ang daanan. He will do what he wants and by doing it, he knows with himself that he will be at peace for now. Mananahimik ang kanyang kalooban kapag napuntahan ang taong ninais niyang makasama habang buhay. Kaya lang, ang bagay na iyon ay magiging habang-buhay nang magiging sana. He wants to believe that she’s alive with her memories but fate knows, Damien needs to stop and move on. Ang buhay niya ay hindi nakadepende sa iisang namayapang tao lamang. Kailangan niyang maniwala na ang lahat ay pawang pagsubok lamang at hindi ang namayapang dalaga ang para sa kanya na ito’y parte lamang upang maging matatag siya. Dalawang oras pa ay nakarating na si Damien sa kanyang paroroonan. Umuulan pa rin at mahangin ngunit, hindi mapipigilan si Damien sa nais niyang gawin. Bumaba siya ng kanyang sasakyan nang walang payong o kapote man lamang. Ang buong paligid ay pinalolooban nang katahimikan at tanging ang hangin at ulan lamang ang maririnig. Dumiretso si Damien sa puntod ng kanyang pinakamamahal at doon ay lumuhod sa lapida. Nilinisan ni Damien ang lapida nito sapamamagitan ng kanyang kamay. “It’s been a long time, my love…” He whispered to himself. Lumamig ang simoy nang hangin. Umihip ito sa direksyon ni Damien. Basang-basa si Damien habang dahan-dahang umupo sa harapan ng lapida nito. He’s love lays here. Hinalikan ni Damien ang kanyang lapida at niyakap ito. Dumapa si Damien para ito’y mayakap. He keeps on murmuring his love for her. He keeps on saying what they will be if she’s not dead. Damien never cried. Hindi umiyak si Damien. Iiyak lamang siya kapag nabawi na niya ang minimithing hustisya gaya ng ipinangako niya sa kanyang minamahal. “Why, love? Why did you leave?” Puno ng hinanakit na sabi ni Damien parang dinudurog ang kanyang puso habang patuloy na ipinaglalaban ang hustisya para sa babaeng minamahal. Naikuyom ni Damien ang kanyang mga kamao. Nakuha niyang ipinagkanulo ang mga kapatid ngunit, sadyang tuso ang kalaban. Nakuha niyang traydurin ang mga kinikilalang kapatid para lang mailigtas ang kanyang minamahal ngunit, sa huli ay nasawi pa rin ito. Nasawi pa rin ito. Suporta na lamang ng mga kapatid at ang paniniwala sa sarili ang natitira kay Damien. “I will get the justice you deserve, my love.” Palagi itong tinuturan ni Damien sa tuwing dinadalaw ang namayapang kasintahan. Patutunayan niya dito na makukuha nito ang kapayapaan nais niya para sa kasintahan. Namatay man ito pero para kay Damien, buhay na buhay ito hangga’t hindi nawawala ang pagmamahal niya sa nobya. “Patawad mahal ko at wala akong dalang bulaklak para sa iyo pero pangako babalik ako ulit dito upang dalhan ka ng mga paborito mong bulaklak.” Bulong ni Damien. Ang pisngi niya ay nakapatong sa lapida ng kasintahan. Patuloy niya lamang itong hinahaplos, sapamamagitan ng paghawak niya dito ay ibinubuhos niya ang kanyang pangungulila sa minamahal. “Mahal na mahal kita.” Aniya. Umupo si Damien at pinagmasdan pa ang lapida nito habang patuloy na bumubuhos ang ulan. Tatayo na sana si Damien nang may marinig na sigaw. Inilinga niya ang mata at tinalasan ang pandinig ngunit, nang walang marinig ulit ay mas pinili niyang panoorin na lamang ang lapida ng kasintahan. Marahil ay guni-guni niya lamang ito at pinaglalaruan lamang siya ng kanyang pandinig lalo pa at nasa sementeryo siya. Pinagsawalang-bahala niya ang narinig dahil baka ito’y mga umiiyak lamang na mga kaluluwa na hindi matahimik-tahimik. Sana lang at hindi kasama ang kanyang minamahal rito dahil hindi makakayang isipin na mapagsahanggang ngayon nang dahil sa kanya ay hindi pa rin nito mahanap ang katahimikan at kapayapaang nararapat dito. Muli ay hinalikan ni Damien ang lapida ng minahamal bago siya ay lumisan. Ilang sandali din siyang nanatili dito bago ipinagpasyang umuwi na. Tumila na ang ulan at mag-uumaga na rin. Tinignan niya ulit ang kalangitan at umusal pa ng pamamaalam sa kanyang minamahal. “See you again soon, my love.” He muttered and slowly left. Ang basang paligid ang bumungad kay Damien habang naglalakad at nadadaanan ang ibang mga lapida ng mga namayapa. Nag-aantay ang kanyang sasakyan sa may kalayuan. Pagod na pagod si Damien na naglakad para siyang lasing na naglalakad na tila ba walang patutunguhan. Hindi maipaliwanag ni Damien ang nararamdaman habang iniisip na malalayo na naman siya sa minamahal ngayon. Habang pumapasok sa kanyang sasakyan ay tila naiwan ang puso ni Damien sa lapidang iyon at hindi na makaalis-alis. Kailan pa kaya makakalaya ang puso at isipan ni Damien sa isang taong alam niyang hindi na babalik kailanman? Kailan kaya siya lalaya mula sa kalungkutan at pagmamahal sa isang taong wala nang lugar sa sanlibutan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD