Chapter 4

1865 Words
Ipinilig ni Damien ang ulo habang nagmamaneho ang drayber niya at siya naman ay nasa likod nito. He was so damn tired with every problem he had. Ginagawa niya ang lahat upang masolusyunan ang lahat kahit pa halos lahat ng iyon ay imposible pang masolusyunan. His job was lessened by the two idiots who’s annoying him everytime he’s f****d-up. Ang sarap minsan pagsasapakin ng dalawa dahil imbes na bawasan nila ang pagod ni Damien at gawin ang mga trabaho nila ay aasar si Damien dahil para silang mga tuka ng manok na putak nang putak. Sumasakit ang ulo niya sa dalawang iyon kaya pala sabi ni Alejandro sa kanya na better brace your ears and patience. Makakatulong nga ang dalawa ngunit sasakit naman ang ulo niya at tenga. Damien sighed and looked outside the car, he’s heading to Alejandro’s house for their monthly dinner. Salitan ang tatlo kapag ang monthly dinner nila ang pinag-uusapan. He’s still not allowed to have the monthly dinner because he’s not married yet. Walang mag-aasikaso ng mga pagkain kung saka-sakali dahil halos trabaho lang naman ang inaatupag niya. And he’s adamant not to set the monthly dinner in his house. Baka matandaan niya lang ang nag-iisang taong dapat ay nasa tabi niya ngayon at siya sanang kasama niya papunta sa bahay nila Alejandro. Ilang beses na siyang nakapunta sa mga dinner na inihahanda nila kahit pa pilit siyang tumatanggi. Wala siyang magagawa lalo pa at tatlong mga hindi kataasang babae ang sinasamaan siya ng tingin. He may be heartless and doesn’t care for others but for his family, he will adjust and do what makes them happy. Matagal din siyang hindi nakaranas na magkaroon ng pamilya kaya kahit man lang sa bagay na iyon ay itatabi niya ang pagiging walanghiya niya. Kahit pa naiinggit siya sa mga kapatid dahil sa mga pamilya nila, still he wanted to bond with them. Kahit sa bagay na iyon nalang siya nagiging tao. Kahit sa bagay na iyon nalang kahit papano ay normal siya. Damien made sure he had gifts for his brothers’ wives and their children. Bumabawi siya sa ilang taon na hindi sila magkakasama at ilang taon na pananahimik niya. Kahit ilang oras niya lang nakakasama ang mga ito sa isang buwan ay masaya na roon si Damien dahil kahit kailan simula ng mawala ang kaisa-isang taong pinaramdam na importante siya ay hindi na siya naging masaya. Suntok sa buwan kung ngumiti lang si Damien dahil tanging matatalim at malalamig na mata lamang ang makikita sa kanya pati na rin ang kalungkutan niya sa kanyang mga mata na hindi nakikita ng ibang tao. Damien stared at Alejandro’s Estate. They were still at the gate, waiting for Alejandro’s approval. It’s his brother’s security measures and he won’t question it. Dahil kung anong inistrikto ni Alejandro sa bahay na ito ganoon din ang sa kanya. Ang malala lang, hindi basta-bastang nakakapasok sa Ambrose estate ng walang valid na rason kung bakit o kung ano ang ipinunta ng kahit sino roon. Damien failed his household once. Hindi lang ang estate niya noon ang dinismayado niya pati na rin ang taong nawala nang dahil sa kanya. “You may enter, Boss Ambrose,” ani ng security nila Alejandro na siya namang ikinatango niya. Ipinasok ng driver ni Damien ang sasakyan kasunod nang dalawa pang sasakyan niya na may lamang mga tauhan niya. Mabilis na bumaba ang mga ito at isa-isang naghanap ng puwesto para magbantay. Lumabas ang so Damien sa sasakyan. Dala-dala ang mga regalo para sa mga bata at sa mga asawa ng mga kapatid niya. Hindi pa man siya nakakapasok ng bahay ay dinamba na agad siya ng mga bata sa pangunguna ni Alerina. “Uncle! Saan ang akin?” Excited na tanong ni Alerina sa kanya. Isa-isa niyang ginulo ang mga ulo ng mga ito na siyang ikinanguso naman nila. “Stop it, Uncle. We are not babies anymore.” Reklamo ni Steel na siyang ikinailing niya. One by one, he handed them their gifts. Niyakap siya ng mga ito at nagpasalamat. “Thank you so much, Uncle!” Masiglang sabi pa ni Isabella na siyang mas matanda sa pito at huli niyang binigyan ng regalo. Tinanguan niya lang ito, tumakbo ito kasama ng iba pa na nasa loob na ng mansyon at excited na excited na buksan ang kanilang mga regalo. “Sinasanay mo sila, Damien,” biglang sabi ni Erin kasunod nina Alyona at Heronisa. Damien shrugged. “It’s okay,” aniya na namulsa sa harapan ng tatlo. Asar na tinignan siya ni Alyona. “You are late again,” sabi nito. Ngumuso naman si Heronisa. Napailing siya sa tatlo animo’y mga matatanda niyang mga kapatid ang mga ito na kung tutuusin ay halos tatlo o apat na taon lang naman ang ibinata niya sa mga kapatid niya. “Busy.” Maikli niyang sagot sa kanila. Nameywang ang tatlo sa kanya. Mas maganda siguro kung kasama nila ang taong iyon na nakapameywang din sa harapan niya. But, it won’t happened ever. Damien sighed deeply and removed all those memories for now. He can’t helped it. Maaalala at maaalala niya ito kahit na saan pa man siya magpunta. “Okay na din ito at least pumunta ka,” si Erin ang unang nagsalitang muli matapos manahimik si Damien. Lahat sila alam ang nangyayari kay Damien at nasa kanya ang mga simpatya nila dahil sa loob ng mahigit apat na taon ay nagdusa at mag-isa lang nito hinarap ang lahat. “Ax, let’s get inside.” Ax ang tawag sa kanya ni Heronisa dahil na rin sa disabilidad nito at wala itong problema kay Damien. Sa tatlong babae, mas malapit siya kay Heronisa dahil kasama siyang nagligtas dito. Tumango si Damien at ibinigay din sa kanila ang mga regalo nila. “I won’t take no as an answer.” Aniya sa kanila. They let out a frustrated groaned and went inside. Ilang beses man nilang sabihin na dapat wala ng regalo dahil birthday o pasko lang ito dapat gawin para hindi masanay ang mga bata. Matigas ang ulo ni Damien at hindi ito nakikinig sa kanila. Nagdadabog na pumasok ang tatlo na akala mo naman triplets kung umasta. Lumapit ang mga ito sa mga asawa nila na nakaupo sa mga upuan kaharap ng mahabang lamesa. “What happened, moya koreleva?” Hellion asked at his wife who’s glaring at Damien. Alyona pointed at Damien. Inis na tinignan ng tatlo si Damien na tango lang din ang sinagot. “That happen, he had gifts again! Nasasanay na ang mga bata.” Sagot nito na sinang-ayunan naman ni Erin. “Baka kapag sa tuwing makikita siya ng mga bata, regalo agad hihingin nila Alerina.” Ani ni Erin sa asawa. Alejandro rolled his eyes, he loves to spoil Alerina that’s why he’s not against with Damien. “Let him mia bella, marami namang pera iyan. Hindi makakabawas sa yaman niya ang ibinibigay niya sa mga pamangkin niya,” rason ni Alejandro sa asawa. “Bumabawi lang si Damien, baby doll, kaya hayaan niyo na tutal pumunta siya sa dinner hindi ba?” Lorenzo said to his wife. Napangiwi lang ang tatlong babae dahil mukhang talo sila sa usapang ito. Damien just stared at them. “Fine! Umupo ka na, Damien. Inaantay nalang namin na maluto ang huling putahe tapos kakain na tayong lahat,” Erin said. Pares-pares ang mag-asawa sa hapag-kainan habang si Damien ay tahimik lang na nakaupo sa tabi nina Lorenzo at Heronisa. He felt the awkwardness but he stopped himself for watching them. Kailangan ang presensiya niya dito pero pakiramdam niya ay naiinggit siya sa mga ito. Tahimik lang si Damien habang nagtatawanan sila minsan ay sinasali siya sa usapan ngunit, tango at iling lang naman ang sagot niya sa mga ito. Wala siyang maramdaman na gutom habang panakaw niyang sinusulyapan ang mga kapatid at mga asawa nila. Masaya sila, masayang-masaya sila at nararapat lang sa kanila yon pero ang tanong. Kailan kaya mahahanap ni Damien ang sarili niyang kaligayahan? Habang buhay nalang ba siyang magiging saling-pusa sa kaligayahan ng iba? Kung tutuusin, matagal na niyang nakita ang kaligayahang nais niya ngunit,bmaaga naman itong binawi sa kanya. Masakit pa din hanggang ngayon sa parte niya ito. Ang tanging nasa isip ni Damien ay narito siya ngayon, buhay at kailangan pang mabuhay dahil alam niyang hindi gugustuhin ng taong pinakaimportante sa kanya ang bawiin niya ang sariling buhay. He’s still here and he has a purpose, a purpose to get his revenge and live on. Wala na yatang nakikita si Damien na ibang rason para mabuhay. Tila isa siyang robot na pinapagalaw na lamang. Wala itong emosyon at walang buhay. Damien can stand watching this scene. Hindi man niya sabihin ay hindi niya kaya talaga ang makita ang ganitong pangyayari kaya nga minsan ayaw na niyang pumunta sa mga hapunan nila. He excuses himself. “I think I can’t continue this dinner I forgot to do something important. I’m really sorry, babawi ako sa susunod.” Aniya at mabilis na naglakad papalabas ng .ansyon ni Alejandro ni hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga kapatid at mga asawa nito. Sinenyasan niya agad ang driver na umalis matapos makapasok sa sasakyan. “f**k this life!” Sigaw ni Damien. Sinipa niya oa ang passenger seat. Mabuti nalang at walang nakaupo roon ngunit, nagulat ang driver sa ginawa niya at napahinto. “Drive, you moron!” Singhal niya. Magbabayad ang dapat magbababayad sa pag-iisang ito ni Damien. He loses someone precious to him and this is their entire fault. Kasalanan ito ng mga animal na kinuha sa kanya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. The driver didn’t make a move because of nervousness. Wala sa mood si Damien para sa nerbyos niya dahil pinasok nito ang ganitong buhay dapat lang na masikmura nito ang ugali niya bilang boss at ng mga kasama nito. “Drive now!” He shouted again. But, the driver didn’t move. Nakita nalang ni Damien na basa na ang ilalim ng sasakyan niya. Naihi ito sa loob ng sasakyan na siyang mas lalong ikinainit ng ulo ni Damien. Binunot niya ang baril na nakasukbit sa bewang at binaril sa ulo ang driver niya. Lumabas si Damien na walang pakialam. Pinara niya ang sasakyan niyang nakasunod sa kanila na may sakay na mga tauhan niya. Napalunok pa ang mga ito bago huminto nang makita ang boss nilang nakalabas ang baril. “Get out! All of you!” He commanded. Matapos makalabas ng lahat ay sumakay si Damien at nagmaneho para sa sarili niya. Pinaharurot ni Damien ang sasakyan na parang eroplano halos lumipad na siya sa sobrang bilis kung wala lang marahil na rason para mabuhay siya. Iisipin ng kung sino na nagpapakamatay siya. Binuksan niya ang compartment ng sasakyan. Alam niyang naglalagay ang mga tauhan niya ng mga beer in can rito. Kumuha siya ng isa at binuksan ito at agad niya itong nilaklak. He used to be a happy guy but now, that person was already died. Matagal nang wala ang lalaking iyon dahil matagal nang nakalibing iyon kasabay ng paglibing sa taong pinakaimportante sa buhay niya. Namatay ang taong iyon kasabay nang pagkamatay ng babaeng pinakamamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD