Tulog pa si Matilda nang silipin ko sa kanyang silid, sa tabi nito'y halata na may natulog doon. Marahan kong isinara ang pinto saka bumalik sa kwarto ko, nagsho-shower na si Aquihiro. Iyong balak kong breakfast para sa kakambal ko'y hindi ko na pinagkaabalahang gawin. Bahala na si Matilda sa buhay n'ya. Matanda na siya, kaya n'ya na iyon. Para naman sa breakfast ko, alam kong hindi sapat iyong inihanda ni Aquihiro. Kaya naman magpapabili na lang ako sa cafeteria later. Tulog pa rin si Tilda nang umalis kami para pumasok. Inihatid lang ako ni Aqui sa office, tapos umalis siya agad. Nabanggit nito na si Tilda at ito ang makikipagkita sa parents nito. Magtungo raw ako sa meeting ko dahil importante iyon. Kung magkalat man si Tilda sa harap ng magulang ni Aquihiro, problema na ni Aquihi