C-35

1507 Words

"Hija, alagaan mong mabuti ang sarili mo. Lalo't may anak ka na. Bawasan ang trabaho, dahil baka makasama iyon sa iyo at sa dinadala mo." Mahinahong paalala ni Ginang Helda Santiz. Kasalukuyan kaming nanananghalian sa private room ng Masters Restaurant. Katabi ko si Aquihiro, kasama namin ang magulang ni Aqui. Pati na rin ang auntie nito at pinsan. Very welcoming talaga sila kapag si Tabitha ang nakaharap sa kanila, dahil ako ngayon si Tabitha, napakalambing nila kung makipag-usap. "Opo, huwag po kayong mag-alala. Nakapag-usap na po kaming mag-asawa na kapag ready na ako at kailangan na munang manatili sa bahay ay gagawin ko po agad. Siyempre po'y ang priority namin ay ang baby namin ni Aqui." Pati boses ng kapatid ko ay gayang-gaya ko. Parang doon lang talaga ako magaling, at ipinamum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD