Dahan-dahan nagmulat si George Santiz ng kanyang mga mata. Ako, si Atlas, Doc Ismile, Nena at Atalanta na lang ang narito. Nasa labas lang ang mga tauhan namin. Halatang nagulat ito nang pagmulat n'ya ng kanyang mata ay pinalilibutan na namin siya. "Masarap ba ang tulog mo?" tanong ko kay George. "Tabitha. . ." parang romolyo iyon sa kanyang dila. Napalingon din ito sa lalaking katabi n'ya na walang malay. "Aquihiro!" niyugyog n'ya ang anak at ginising. Nang magmulat ng mata si Aquihiro ay halatang nagulat din ito nang makita n'ya kami. Saka siya mariing napahawak sa p*********i n'ya waring biglang sumigid ang sakit. "Anong problema?" tanong ni George sa kanyang anak. "A-ng sakit, dad!" ani ni Aquihiro na parang namimilipit na sa sakit. "Anong ginawa n'yo sa anak ko?" nag-aak