"Hijo?" pormal na pormal ang tinig na ani ni mama sa lalaki. Bumalik kami sa opisina at hinarap si Aquihiro na kalmadong nagkakape. "Totoo bang tutulungan mo kami sa company oras na tulungan kong manatili sa poder mo si Tabitha?" tanong ni mama. Napangiti ako. Takot din naman itong maghirap, kahit pilitin n'yang itago iyong takot n'ya. Alam kong pareho lang kami nito, ani nga nila. Manang-mana ako sa aking ina. "Yes." Sumandal pa sa upuan si Aquihiro at tumitig sa mama ko. "Sa totoo lang matagal mo na iyang ipinangako sa akin. Pero sige, pagkakatiwalaan kita. Pero kailangan mong makumbinsi ngayong linggo na manatili ang mga investor na balak umalis ng company." "I'll do that. Pero kailangan mo akong i-assign sa posisyon ni Tabitha. I-inform mo ang board na ako na ang bagong CEO ng ko