"I am fine." Reply ko kay Miss Agatha. Ilang buwan na simula nang magdesisyon si Aquihiro na ikulong lang ako sa bahay. Nakalabas lang ako no'ng check up namin sa OB GYN. Tapos kulong ulit. May mini refrigerator na nga rin sa silid ko, akala yata ni Aquihiro ay iyon lang ang kailangan ko. Patuloy akong binabalitaan ni Miss Agatha sa sitwasyon sa company. Tuluyan na ngang nakuha ni Aqui ang pwestong pinaghirapan kong makuha. Tinanong naman ako ni Miss Agatha kung nais ko nang makalaya, dahil kayang-kaya n'ya raw akong ialis sa impyernong lugar na iyon. Pero no, tumanggi ako. Pansamantalang pagtanggi lang naman. Para ko na lang din kasing isinurender ang lahat kung tatakas ako rito. Nabanggit ni Aquihiro na bibisita si mama rito ngayon, ilang buwan ko na itong hindi nakikita pati na si