"Kanina ka pa nakatitig sa amin, Lola. Happy ka po ba na makita kami?" pinanonood namin ni Atlas na makipaglaro ang ginang sa kambal. Kanina pa rin namin napansin na titig na titig ang ginang sa kanila. Naluluhang tumango ang matanda. "I'm happy na okay na okay kayo ng kakambal mo. I'm just so thankful sa Tita Tabitha n'yo, kasi hindi n'ya kayo pinabayaan." "Inilayo kami ni Tita Tabitha sa mga bad guys, Lola. Sabi po n'ya rito raw po namin hihintayin si mama." Gumawi ang tingin ni Mommy Helda sa amin ni Atlas. Ngumiti ako sa ginang. Siguro naman ay ayos lang dito iyong sinabi ko sa mga bata, white lies naman iyon. Para rin sa ikatatahimik nang kalooban ng mga bata iyon. Pagkatapos n'ya kaming tignan ay ibinalik n'ya ang tingin sa mga bata. "Happy ba kayo rito? Or mas masaya kung kas