Laman sila ng mga pahayagan, television at social media. Sirang-sira ang mag-amang George at Aquihiro. Matunog din ang usapin na planong ibenta ni Helda Santiz ang malaking shares nila sa kompanya nila bago pa ito tuluyang masira. Good move, of course iyon ang advice rito ni Miss Agatha Lorraine. Hinihintay ko ang ginang ngayon dito sa isang restaurant, sa totoo lang nagulat ako nang humarap ito sa korte at isa sa magbigay ng salaysay regarding sa ginawang set up ng anak nito, between sa akin, kay Matilda at Aquihiro. Mas lumakas ang chance na mas bumilis ang proseso ng annulment sa pagitan namin ng lalaki. "Hija." Agad akong tumayo at mahigpit na niyakap ito nang makalapit sa akin. "Mommy Helda." Para ko na itong ina, mas naging nanay ko pa kaysa kay Mama Nemfra na siyang nasa bir