Hinahaplos ko ang maliit na kulay pink na medyas na natipuhan ko sa baby's section. Pagkatapos namin doon, ay nagkaroon ng biglaang lakad si Miss Agatha. May tumawag dito at sinabing kailangan s'ya. Kaya dali-daling nagsabi ito sa akin. Inihatid muna nila ako, bago Sila tumuloy sa lakad ni Miss Agatha. Kaya ngayon, ito at nakatunganga ako habang nilalaro ang medyas. Napaka-cute naman kasi no'n. Tinatamad pa akong kumilos para iayos ang mga pinamili namin. Nagkalat pa ang mga shopping bags sa sala. Nakuha ko pa ngang humiga sa couch at umidlip muna. Pero ginising ako ng tunog ng doorbell. Kaya dali-daling lumabas ako. Nakita ko sa gate si Mommy Helda na nasa mukha ang pagtataka. Agad kong binuksan ang gate at pinapasok ito. Iniwan na lang n'ya sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakya