Ginagawa na naman nila. Akala yata nila'y tulog na ako. Kahit naman hindi ko na mahal si Aquihiro, asawa ko pa rin siya at nasasaktan din ako na binabastos nila ako. Kasama pa ang kakambal ko na mas lalong higit na masakit. Bumalik ako sa silid, hindi ko alam kung hanggang anong oras sila matatapos. Kaya naman sinubukan kong matulog. Tutal bukas ay kailangan ko na naman nang lakas para harapin sila. Katabi ko na si Aqui nang bumangon ako. May check up kami ngayon, sabay pa talaga ang schedule namin ni Matilda. Baka naman kapag nanganak ay sabay pa rin? Huwag naman na sana. Nang magising si Aquihiro ay ako ang unang hinagilap nito na inabutan n'ya sa kusina. Nagtitimpla ako ng gatas ko at gatas ni Matilda. Concern din ako sa pamangkin ko, wala akong hihilinging masama. Kabutihan lang