"Doc, please! Do something. Naaksidente siya dati. Nabaril at---" "Relax. Hinga munang malalim, Misis." Pigil ng doctor sa akin. Hawak ko sa magkabilang kamay si Aly at Andy na wala namang karekla-reklamo. "Naitawag na sa akin ito. Nasa amin na rin ang history ng pasyente. Hintayin n'yo na lang kami sa private room. Para hindi ma-expose ang mga bata rito." May lumapit na nurse sa amin. Sumunod na lang din ako sa gusto ng doctor. Sumama kami sa nurse na itinuro sa amin ang nakahandang private room. Sa labis na taranta ko kanina ay si Miss Agatha ang agad kong tinawagan. Nag-panic ako. Pero kahit na ang pagkawala ng malay ni Atlas ang ibinalita ko'y mahinahon pa rin ito. Inutusan n'ya akong magtungo sa pinakamalapit na hospital. Hirap na hirap kong inilipat ang lalaki sa passenger seat.