"Ayusin n'yo iyan. Dali!" turo ko sa mga laruang nabili ko lang sa palengke, tag-20 lang ang mga iyon. Pero masayang-masaya na ang mga anak ko. May natira pa naman kaming pera, iyon ang inuunti-unti ko. Para may pangkain pa kami. Tipid na tipid. Kailangan ko pa kasing magpalakas, dahil kung sa mahinang estado ako ng katawan ko, hindi ko kakayaning bitbitin ang dalawa kong anak na umaasa lang sa akin. Sa awa nang Diyos ay hindi pa rin kami natutunton. Pero wala na akong balita kay mama. Hindi na siya bumalik, at wala rin namang paraan ngayon para alamin ang sitwasyon n'ya. "Mama, makakain po tayo today ng masarap na food? Nami-miss na po ng tummy ko." Dinig kong ani ni Andy. "Mamaya. Susubukan kong bumili sa Jollibee. Gusto n'yo ba iyon?" walang emosyon na tanong ko sa kanila. "Ye