"Shares sa company ang gusto kong kapalit nang kagaguhan ng anak mo." Napamaang si George Santiz sa sinabi ni Mr. Manuel. Dumating sa mansion ang ama ni Aquihiro, sinunod nito ang utos ni Mr. Manuel na walang dadalhin kahit isang tauhan. Kinapkapan pa ito pagpasok ng mansion. "Mr. Manuel, masyado naman yatang mabigat iyang hinihingi mo." Komento ng lalaki. "Mabigat? Iyong tangkang pagdukot ng anak mo sa anak ko. Hindi ba mabigat iyon? George, mabigat na kasalanan ang ilagay sa kapahamakan ang aking anak. Kaya tama lang na mabigat din ang kapalit. Hindi naman ako gamahan na tao. Babayaran ko ang shares na kukunin ko. Walang labis, walang kulang. Shares sa Reiz Corporation ang nais ko. Kung hindi n'yo kayang mag-ama iyon, ay mas mabuti pang tapusin ko na lang ang buhay ng anak mo." Nakak