His face. His reaction. Epic. Habang inililibot ko ang tingin sa opisinang ilang taon ko ring hindi nakita, ay sumasagi sa isipan ko ang mukha ni Aquihiro. Nagkaroon ng emergency meeting, huli pa nga itong dumating. Pero nang makita n'yang nakaupo si Atlas sa dati n'yang pwesto ay binato na n'ya kami nang sunod-sunod na tanong. Hindi rin nag-atubiling sumagot ang mga shareholders na nakuha nang pumanig sa side ni Atlas. Majority ng stocks, na kay Atlas na. Ito na ang may hawak ng majority ng stocks. Nagkaroon ng botohan kanina ang mga kasama namin sa silid na iyon. Kahit na pwede akong sumali sa botohan ay tahimik lang ako, dahil hindi na kailangan pa ni Atlas na makisali ako roon. Kaya nang dominahin ni Atlas ang botohan. Kaya mas lalong nagalit si Aquihiro. Halos magwala ito. Nang pu