"Ma, I saw her." Iyon agad ang unang sinabi ko sa aking ina nang maiwan kami sa sala, habang si Aquihiro ay kaaalis lang. May maaga itong meeting, at kailangan pa nitong kitain ang secretary na si Nena upang makuha ang documents na dadalhin n'ya. "Sino?" tanong ni mama na halata namang hindi interesado. Busy itong siyasatin ang kwintas na ginamit ko kagabi. Gustong-gusto ko iyon, pero dahil nakaharap si Aquihiro kanina ay nakakuha ng tiyansa si mama na hingiin iyon sa akin. "Si Tabitha, ma." Nakasimangot na tumingin si mama. Parang ipinaparating na iniistorbo ko siya. "Ikaw si Tabitha, 'di ba?" tanong nito sa akin. Iyong simangot nito kanina ay naging ngisi. "I'm serious, ma. I saw her. . . no, nakita namin siya ni Aquihiro kagabi sa party." "What? Mukhang hindi mo ako pinagtri-t