Pagpasok ko pa lang sa venue ay alam ko na ang target. Si Matilda at Aquihiro. Nag-ayos talaga para sa gabing ito, imbitado ako ni Keia, ang hirap hindian ng babae. Kaya ngayon ay narito ako. Matagal ko ring pinagmasdan si Aqui at Matilda. Papasa silang perfect couple sa lambingan nilang dalawa. Kung tumitig sa isa't isa ay halatang in love na in love, si Aquihiro na mahal na mahal pa rin ako, at si Matilda na mahal na mahal si Aqui. Iyon ang nakikita ko, kahit nagmamasid lang ako. Matitigan pa kaya ni Aqui si Tilda ng gano'n, kapag nalaman n'yang ang babaeng ilang taon din n'yang nakasama ay hindi naman ako? Hindi ko namalayan na kusa na akong napahakbang palapit sa dalawang kumakain sa table nila. Bahagya ko pang napansin ang table ni Atlas De Sario, bago ako makalapit sa table ng