Sa lahat ng pwede nitong ibintang sa akin, ang hindi ko matanggap ay iyong bintang nito na ako ang nagtangka sa buhay n'ya. Pagkatapos ko ngang marinig ang sinabi nito ay disappointed ko siyang tinignan. Saka ako umatras at tuluyang tumalikod. Hindi ko kayang harapin ang gano'ng bintang. Sobrang sakit sa puso. Ang dami ko nang pinagdaanan hirap, kailan ba makakaalagwa ang puso ko? Kaya pala sobrang saya ko mula kaninang umaga. Kasi matatapos din iyon pagsapit ng gabi. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nakalayo nang mabilis sa mansion na iyon. Nakapagpara naman ako ng taxi, kahit na wala akong pera or kung ano pa man na dala ko. Nagpahatid ako sa bahay na ipinahanda ko talaga no'ng umuwi ako ng Pilipinas. "Wala po akong pera. Pwede bang pakihintay ako rito?" tanong ko sa driver. T