Hawak ko ang kamay ni Manay Welda na ngayon ay nasa private room na. Masyado itong na stress sa tanong ko, kaya hindi kinaya ng puso nito. "I'm sorry, Manay." Seryosong ani ko habang hawak ang kamay nito. Marahan ko pang pinatakan nang halik ang kulubot na kamay ng matanda. Sa sobrang taranta ko kanina ay hindi ko na naibilin pa si Atlantis sa mga tao sa bahay. Dumating na ang mga kasambahay na pansamantalang magbabantay rito, uuwi muna ako para i-check si Atlantis. Pero dahil kalalabas lang nito sa operating room ay nanatili muna ako ng ilang saglit pa. Ingat na ingat nga rin ako nang bitiwan ko ang kamay nito. Saka ko hinarap ang dalawang kasambahay. "Kayo na muna ang bahala rito. Itawag n'yo sa akin kung may mga kailangan pa si Manay. Babalik ako bukas. I need to check pa si A