"Kung ako sa 'yo, sir, ang bibilhin ko iyong water proof na. Kasi mukhang mahina ang pangkapit n'yo sa mga bagay-bagay. Understood naman po, kasi tumatanda na ikaw. Normal lang po---" "Excuse me?" daig pa ni Tabitha ang bangaw na bubulong-bulong habang namimili ako ng cellphone. "Sabi ko po maganda po iyan, iyan na lang po." Tumango-tango pa ito. Saka bahagyang lumayo sa akin. "I'll buy it." Pukaw ko sa atensyon ng staff. Saka ko iniabot ang card ko. Habang inaasikaso ang payment ko ay inilagay ko na rin ang sim card ko, upang ma-check kung magagamit ko pa iyon. Nang muli kong lingunin ang kasama kong babae ay wala na ito roon. "Nakita mo ba kung saan nagpunta iyong kasama kong babae?" tanong ko sa staff ng store na ito. Nagpalinga-linga rin ako, baka sakalingahagip ng aking panin