“I won’t let you escape from me now, like what you just did a few days ago, baby,” may diin na sabi niya na sapat na para sumabog na lang bigla ang puso ko. Madilim ang kaniyang mukha. Bakas doon ang kaseryosohan ngunit maya-maya ay sumilay ang nakakapanginig ng tuhod na ngisi sa kaniyang mga labi. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay nahulog ang puso ko kasabay nang pagkalunod ko sa malalalim niyang mga mata. I am always get drowned in his gaze. His eyes is one of the most beautiful view I have ever seen. There is no doubt with that. “You think I didn’t see how you ran away from me?” Parang may dalang panganib nang banggitin niya iyon. Kung may mas ilalaki pa ang aking dalawang mata ay sa tingin ko ‘yon na ang ayos nito ngayon. “Y-you saw me? Really?” Napatakip din