“Two people don’t have to be together right now. In a month. Or in a year. If those two people are meant to be, then they will be together somehow at some time in life.” Kanina pa ako nandito sa loob ng glasshouse. Hinihintay ko na lang na dumating si Raiden, dahil noong nakausap ko siya ay pabalik na raw siya mula sa paghahatid sa kaniyang mommy. Kanina pa rin nagpapaulit-ulit sa aking utak ang mga katagang sinabi ni Eleonor bago kami naghiwa-hiwalay kanina. Simula pa lamang naman noong una ay ang dami ko nang iniisip kaya hindi na iyon bago ngunit mas mahirap sa pagkakataong ito. Sa tingin ko nga ay sandali lang akong nakapahinga sa mga agam-agam ko, at iyon ay tuwing kasama ko si Raiden. He could really make me forget all my worries in life. Na para bang okay ang lahat da