Life is not perfect, but it has perfect moments. And what happened last night is one of those moments that I will definitely treasure in my whole life. Kahit isang katiting ay wala akong maramdamang pagsisisi na nagawa kong ibigay ang sarili kay Raiden. Raiden is a blessing in my life. The only man I would ever love is him. Wala akong planong magmahal ng iba kung hindi rin lang naman siya. Ang desisyon na ginawa ko kagabiay para lang sa kaniya. Napatingin ako sa aking kanang kamay, direkta sa aking palasingsingan. Isang kumikinang na bagay ang agad na nakakuha ng aking atensyon doon. Simple lang ang singsing ngunit mayroong itong importanteng ibig sabihin. Mayroon itong malaking bato sa gitna na lalong kumikinang kapag natatamaan ng liwanag. Mapait akong napangiti ha