“I’m here at the open field, baby. Kasama ko sina Steve. Just text me when you are done. I miss you already. I love you.” Mas lalo akong napaiyak nang mabasa ang mensahe na natanggap mula kay Raiden. Noong ipinatawag kasi kami ni Ms. Lucresia ay dapat magkikita kami noong umaga, kaya lang ay kailangan agad na makapunta rito. Mas nauna rin akong makarating dito sa La Deita kaya mamaya pa lang kami magkikita. He is waiting for me… little did he know, I am just going to break his heart any minute from now. “I can’t.” Napailing ako. “’I can’t hurt him. He will be broken and I will die…” Mahigpit ang kapit ko sa aking dibdib na akala mo ay maiibsan nito ang sakit na nararamdaman ng aking puso. Magkahalong sakit, kirot, pighati, at takot ang nararamdaman ko sa mga