Chapter One Hundred Twenty-Three

2962 Words

“Binibining Catarina…” Mahihinang katok at pagtawag sa aking pangalan ang maririnig mula sa labas ng aking silid.     Sa halip na sumagot ay pinanatili ko lang na nakapikit ang aking mga mata. Nagtalukbong pa ako ng kumot sa isipin na hindi ko na maririnig kung sino mang ang nasa labas. Hindi ko na nga rin halos maimulat ito nang maayos dahil sa p*******t at medyo namamaga na rin. Hindi ko na mabilang kung gaano na ako katagal na umiiyak lang. Pagod na pagod na ako pero wala namang kapaguran ang sariling mga mata.     Ang malambot na kama na aking hinihigaan ngayon ay hindi kayang pawiin ang nararamdamang sakit ng buo kong sistema. Walang kahit na sino o ano ang kayang pumawi ng lumbay na nararamdaman ko… dahil ang nag-iisang kayang pagaanin ang aking loob ay matagal ko nang iniwan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD