“You are running away from me again, baby…” madilim na sabi ni Raiden sa akin. Kumakalabog ng malakas ang puso ko sa mga oras na ito. Never I have imagined that I will see him in this place and at this instance. Parang kanina lang ay halos takbuhan ko ang tagpo kung saan magkasama sila ni Nikka dahil hindi ko halos matagalan ang sakit habang pinapanood sila. Hindi naman ako ipinanganak na masokista para tiisin ang lahat ng sakit sa mga oras na iyon. Pero ano nga ba ang alam nila… ang alam niya ay wala naman akong nararamdaman para sa kaniya kaya dapat hindi niya ako nakikitang umiiyak sa harapan niya. I don’t know what fate has gotten to play with us. Hindi ko alam ang gusto niyang iparating at natatakot ako. Baka sa huli ay iiyak na naman ako. Baka pagkatapos nito ay masas