“Paano si Nikka? Ano ang mangyayari sa inyong dalawa?” Hindi ko napigilang itanong sa kaniya ito. Ayokong matapos ang gabi nang hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa kaniya. Ang ibig kong sabihin ay ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng gabing ito. Ilang minuto na ang nakalilipas na pareho naming hindi napapansin. Ganoon yata talaga kapag kasama mo ang mahal mo. Wala ka nang pakialam sa oras. Halos makalimutan ko na nga na may naghihintay sa akin sa labas. Kanina ko lang nasabihan si Manong Robles na medyo matatagalan ako at pwede namang umuwi na lang muna siya. But he insisted that he will just wait and sleep in the car. Good thing na ngayong school fair ay mayroong signal ang mga network. Napapakinabangan tuloy ang mga telepono ngayon. “Hmm? What about her, bab