“Let’s talk, Catalina,” Nikka said, straightforwardly when she reached our table. “Oh! H-hi, Nikka!” bati ko sa kaniya at agad na tumayo para ialok ang upuan sa kaniya. “Come, sit here. Have you eaten your lunch?” ani ko pa. Tiningnan lang niya ang silyang inaalok ko bago naglipat muli sa akin ang kaniyang tingin. Napansin ko ang pagtikwas ng kaniyang kilay. “‘Wag ka nang mag-abala, best friend. Ubusin mo muna ‘yang pagkain mo. Hayaan mo sila.” Narinig kong sabi ni Ellie na parang wala lang ang presensya ng mga bagong dating. Nagpapatuloy lang siya sa pagkain at hindi na tinapunan ng tingin ang grupo ni Nikka. Nahihiyang napabalik naman ako sa aking upuan. Pasimpleng sinamaan ko ng tingin ang aking kaibigan na hindi naman iyon napansin. “Hello…