“Sandali! ‘Yong best friend ko nawawala na! Naiwan ko pala! Oh my gosh!” Ang malakas na sigaw ni Ellie ang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Kasunod noon ay ang nagmamadaling mga yabag patungo sa aking direksyon. Binagalan ko lang ang paglalakad dahil magkikita rin naman kami ni Ellie. Mabuti at pagkatapos ng ilang minuto ay naalala niya akong muli. She just left me! Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi magkakasalubong ang landas namin ng lider ng Iron Bloodlust. Ngayong malayo na ako ay saka lang din ako nakahihinga nang maayos. Everytime he is near, I do always forget how to breathe. Hindi ko na nga rin maalala kung paano ako nakaalis sa nakakayanig ng pagkatao na tagpong iyon. Ang natatandaan ko lang ay… Oh my gosh! Kasabay nang pagragasa ng pangyayari sa aking utak ay an