"Bakit hindi ninyo po sa akin sinabi, p-papa?” malungkot na tanong ko sa lalaking nasa aking harapan. Hindi rin maipagkakaila sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Panay ang buntong-hininga niya na para bang may iniindang problema. “I am always trying to reach out to you and ask everything that bothers me. Hindi naman po ako nagkulang sa pagtatanong sa inyo pero kahit isa wala po akong nakuhang sagot mula sa inyo. Kung alam ninyo lang po kung gaano kagulo ang isip ko noong mga oras na iyon. Wala naman akong ibang mapagtatanungan pero kahit na ganoon, itinigil ko dahil ayoko na magdulot pa ako ng problema sa inyo. Kahit na noong mga oras na iyon ay pakiramdam ko nasa akin ang lahat ng problema…” Ramdam ko ang pagkabasag ng aking boses habang nagsasalita. Hindi ko na