Matagal ko nang gustong malaman ang mga sagot sa lahat ng katanungan na tumatakbo sa aking isip. Ang tagal kong hinintay na maliwanagan ako pero bakit noong nakuha ko na ang lahat ng ito, gusto ko namang hilingin na sana ay hindi ko na lamang nalaman? Pwede ko bang hilingin na sana panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari? Though, all my questions were answered through my dreams. Gumising ako na mabigat ang dibdib at hilam ng luha ang mga mata. Kaya pala pakiramdam ko ang daming kulang ay dahil sa memorya ko na pansamantalang nawala sa akin. Kaya ang dami kong hinahanap sa sarili ko na hindi ko maramdaman at hindi mahanap-hanap ay dahil dito. Mula sa aking panaginip ay bumalik ang mga alaala na mayroon ako. Ang dahilan kung bakit nandito ako. Ang totoo kong pagkatao na akala ko ay