HINDI alam ni Summer kung paano niya naitawid ang agahan na kasama ang pamilya ni Mark Anthony at nagpanggap pa siyang si Rhaine. Sa buong sandali na magkasalo silang lahat, katabi niya ang dating nobyo. Doon niya nalaman na kahit may kapansanan na ito, maalaga pa rin itong nobyo. Kung hindi pa nga nag-insist si Summer na ito ang pagsilbihan niya, baka pati ang pagsubo sa kaniya ay ginawa na nito sa harap ng pamilya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil sa wakas, naranasan niyang muli ang ganoong pag-aalaga ni Mark Anthony. O magseselos siya dahil batid naman niyang nagpapanggap lang siyang si Rhaine kaya ganoon ang trato sa kaniya nito. “Mamayang hapon din po pala ang uwi n’yo, Tita Claudia?” tanong ni Summer, nasa malawak na sala na sila at nagpapahinga. Pinapanood nila an