“S-SORRY kung bigla akong umalis. Hindi ko na kasi kaya ang sama ng pakiramdam ko,” palusot ni Summer nang sundan siya ni Mark Anthony sa kuwarto ni Mia. Habang nag-iisip pa lang siya ng palusot kung bakit doon siya dumiretso at hindi sa silid ni Rhaine. “Sabi ko naman kasi sa’yo na magpahinga ka na lang.” Nag-iisip pa rin siya kaya hindi agad nakasagot si Summer. Tumalikod siya habang patingin-tingin sa paligid at nag-iisip. Mayamaya ay napalunok siya nang maramdamang nasa likuran na niya si Mark Anthony. Naramdaman niya ang init ng katawan nito. “Bakit dito ka pumasok sa room ni Mia? Ginugulo ka ba ng mga pinsan ko sa room mo?” Dahil sa tensiyon kaya naisuksok ni Summer ang kamay sa bulsa ng pajama na suot niya. Sa wakas ay nakaisip din siya ng palusot nang makapa niya ang pabango na