PAGKATAPOS ng pag-uusap nilang iyon ni Rhaine, saka lang tila naliwanagan si Summer at na-realize niya na pare-pareho lang naman silang nagkamali. Kung tutuusin, mas may karapatan nga si Mark Anthony na magalit sa kaniya dahil sa tagal ng panahon na sinaktan niya ito. “Hindi po ba kayo nagkita ni Sir Mark Anthony, Ma’am Summer? Kagabi pa po kasi siya umalis,” sabi ni Manang Tasya nang pumunta si Summer sa resthouse ni Mark Anthony at hinanap ito. “Sa pagkakaalam ko po, dadaan siya sa inyo bago siya pupuntang Hawaii. Pinapasunod na po kasi siya doon nina Ma’am Monique at Ma’am Mia.” “H-ho? Pero hindi naman po siya dumaan sa bahay. At kagabi din ho ako umalis ng Manila,” mangiyak-ngiyak na katuwiran ni Summer. Parang gusto na niyang umiyak sa harapan ni Manang Tasya. Kung kailan naman nal