WE talked na regularly after that. Sinasagot ko na 'yong texts niya although hindi agad pero I did pa rin naman. Natagpuan ko 'yong sarili ko na masaya naman sa company niya. Axel: Finally, I'm going home. Ngumuso ako nang mabasa ang text niya. Nasa Boracay na kami ng mga kasama ko. Kadarating lang sa The Lind Hotel. Tig-iisa kami ng room at naging third wheel na naman ako! "Hindi na ko sasama sa susunod kung ganito din lang." Umirap ako kay Megan. Niyakap niya ako agad habang natatawa. "Hindi naman papayag kasi sila na hindi sasama." "Akala ko George will gonna pay lang, but this is an all girls day out. Guys, you all have boyfriends na kasama. Ano ako dito? Taga sana all niyo? You are rude, ha?" Umirap ako sa sarili kong biro pero half meant iyon. "Sorry na. We forgot to tell you