TUMAYO si Sandler para salubungin si Axel. Wala akong ideya kung bakit nasa Boracay si Axel. Kung niyaya din ba nila nang hindi ko alam. Halos hindi na ako makasipsip ng watermelon shake ko dahil sa kanya. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin kaya binagsak ko ang mga mata sa may plato. Todo ang kaba ko. "Wow! Nandito ka rin?! Kumusta!" dinig kong sabi ni Stacy. Doon nasagot ang katanungan sa aking isip. Hindi nila sinabihan si Axel. Pumunta ba siya dito mag-isa? "I'm okay," ani sa baritono nitong tinig. Nakangisi lang si Luis Tan at bumulong sa akin. "Who is he?" he asked. "Sinong kasama mo? Kailan ka pa rito?" Cassy asked. Ramdam ko na iyong presensya ni Axel sa likod ko dahilan para halos manigas ako sa kinauupuan ko. Before I could answer Luis Tan. Nagasalita na si Axel.