SINIKAP kong hindi siya yakapin kaya lang tila ba nanadya si Axel dahil panay ang bilis ng takbo niya bukod doon bigla-biglang aandar at gigilid ang minamanehong jet ski. My friends were all happy. Nagpalitan iyong iba sa pag-drive. "Humawak ka nang mabuti kung ayaw mong mahulog," sabi ni Axel at hindi ko pa rin ginawa pero dahil sa bigla na naman nitong paggilid at sobrang haba ay muntik na kong malaglag. Napilitan na kong yumakap sa kanya. Hindi nagsalita si Axel pero napansin ko namang bumagal iyong pagpapatakbo niya. I rolled my eyes. "You are pranking me!" sabi ko na tila ba sure na sure ako do'n. Tahimik pa rin si Axel at nilalamon ng ingay ng jetski iyong boses ko. "Bababa na ko! Nahihilo na ko!" sabi ko sa kanya kaya nagdahan-dahan ito at pumunta na malapit sa shore. "Thank