KABANATA 3

1203 Words
NAGLALAGAY ako ng bohemian earrings nang tumawag si Stacy. Nagmamadali ko tuloy na sinuot ang hikaw para lang sagutin ang tawag niya. "Hello..." "Sofy, are you sure you can't come on Saturday? Ngayon na lang tayo ulit makukumpleto, my gosh!" bungad niya kaagad. I turned the speaker on so I could move freely. Hinagod ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. "I have a family dinner on Saturday. Magtatampo ang Mommy sa'kin. Babawi ako next time. I'm really sorry," I pouted. "Aw, we miss you. Anyway, we're not sure kailan ako free ulit. Let's chika na lang sa Instagrammy. I have to go na. Just take care and give my regards to your family." Sobrang bihira na lang kami magkita-kitang magkakaibigan. I am busy with my work and paintings, si Stacy at Cassy palaging nasa abroad lalo na sa Milan. Si Megan, palagi namang hindi rin mabakante dahil sa shooting nito dahil sa wakas naging bida na rin sa sa isang drama show. I want to see them din naman kasi it's been a long time. Kaya lang hindi ko naman p'wede hindi siputin ang family dinner namin dahil magagalit sa sa akin si Daddy at Mommy. "Mom! Ate is here!" Seth announced the moment I stepped into the living area in the mansion. Binalingan niya rin ako agad para yakapin. I giggled. "How's school?" I asked and looked at our yayas. "Manang, paki-akyat nang box sa room ko. Thank you!" "Sige po, Senyorita." I winced when I heard what she called me. Hindi ako sanay sa ganyang tawag sa akin. "Good. Lagot ka, ngayon ka lang umuwi," sabi niya at umupo sa sofa para ipagpatuloy ang paglalaro sa PS5 nito. "Where's Shawn and Selena?" tanong ko sa kanya. "They're out. Hindi ko alam saan pumunta," sabi nito habang naglalaro na. "Oh, so my eldest child is here. Hindi ka ba naligaw?" Nag-angat ako ng tingin at nakitang pababa na ng hagdan si Mommy. Posturang-postura. Suot ang pulang bodycon dress at stilletos. Agaw pansin ang pearl necklace nito. Naka-make up din siya at sa Mommy ko nakuha na kahit nasa bahay lang o bago ka lumabas ng kwarto dapat ay naka-ayos ka na. I remember what she said. "Hija, you should always look beautiful every time you face people, Sofy. Kasehodang basurero pa 'yan. Hindi lang dapat presintable ang itsura kapag kaharap ang presidente ng bansa o kung sinong mayaman man 'yan. Treat them equally. Isa pa, we don't know if we're gonna die while we're outside. Kaya dapat die beautiful!" I pouted and walked toward her. "Of course! Where's Dad?" Nakipagbeso ako sa kanya pagkatapos. "Pababa na. Halika, let's go Patio for meryenda. Manang!" tawag ni Mommy sa mayordoma namin. Nag-usap kami ni Mommy sa patio. She's happy na kumpleto kami ngayon at bukas ako uuwi. Kaya pagdating ng dinner maingay sa table. Before, Mom doesn't want us to talk over dinner. Pero nang naglakihan na kami. Ako at si Shawn ay may trabaho na at hindi nauwi rito ay na-appreciate niya na 'yong kwentuhan kapag nasa lamesa. Gusto niya na iyon kasi nami-miss niya kami. "How much do you earn, Sofia?" Lumunok muna ako bago sagutin ang tanong ni Papa. "Just enough to support my lifestyle. Enjoying while saving at the same time." "Saving? How much? Quit that profession and start working with me. Bakit ba ayaw niyong hawakan ang negosyo?" Dad asked. Sabi ko na nga ba pag-uusapan pa rin namin ang tungkol sa negosyo. We have a 6,000 sugar plantation in Batangas. Si Daddy lang ang humahawak. Ayaw ko sa negosyo, ayaw rin ni Shawn na magtrabaho sa kay Daddy. I have a bachelor's degree in business marketing, while Shawn is now an engineer. Although sa negosyo pa rin naman ang natapos ko. My heart still wants to be a teacher. Etiquette teacher ang kinuha ko na lang, so I can have my own business. Now I have earned an etiquette consultant certification too. "Dad my business is doing good. Antayin mo na lang si Selena," sabi ko kasi mukhang ang kapatid naming bunso ang nagpapakita ng interest sa negosyo. I have an etiquette business training business. Nagtuturo din ako at hands-on sa trabaho. "Oh, God. Ilang taon pa," reklamo ni Daddy. Selena shrugged. Sumubo siya ng ice cream pagkatapos. She's eighteen years old. Panay na ang daing ni Daddy na sana may pumalit na sa kanya dahil gusto na niyang mag-retiro. He's 65 years old. He's malakas pa naman. Kaya pang suntukin si Shawn at siguradong dadaing ang kapatid ko. Umuwi ako kinabukasan pero hapon na. I need to rest pa rin ulit kasi bukas may pasok pa. Marami kaming enrollees this month. Kaya I am so grateful for this blessing. Simula nang tinayo ko ang negosyo ko, hindi ako nauubusan ng estudyante. Nakahalukipkip ako habang pinapanuod isa-isa ang estudyante namin na naglalakad habang may nakapatong na libro sa ulo. I have teacher Ursula for this class pero pumapasok ako para mag-observe sa kanila. "Good job, Erika!" Ngumiti ako at pumalakpak ng marahan nang matapos ang huling student namin sa paglalakad. "She's really beautiful. Malaki ang chance manalo siya sa Miss World," bulong sa akin ni Teacher Elle. Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat. "Oh, she's joining the pageant?" tanong ko at napatingin na sa babaeng matangkad at maganda ang katawan. Maamo ang kanyang mukha at mukhang soft-spoken. Hindi siya maingay kasi at nakikisali sa mga kasamahan nito. "Yes, next year. Pinaghahandaan niya kaya nag-enroll dito. Very supportive ang ate niyan tsaka boyfriend." Napatingin na ako sa kanya. She still gossips, huh? "Where did you get that info?" I asked. Nagsabi si Teacher Cathy na tapos na ang klase kaya isa-isa na silang umalis sa room at naiwan kaming tatlo sa loob. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" sabi ni Cathy kasi nagbubulungan kami habang naglalakad na rin kami palabas sa room. "Sa kanya. Tinanong namin sino 'yong boy na naghatid sa kanya kahapon," sabi ni Teacher Elle. "Hindi 'yon boyfriend ng Ate niya. Sabi niya friend lang," sabad ni Cathy. "Do you believe her? Ano ka ba! Halikayo dito," sabi sa amin ni Teacher Elle at imbes palabas na nang room ay pumunta ito sa bintana habang kinakawayan kaming lumapit. "Dali!" anito. Kumunot ang noo ko. "Elle, ang dami mong alam!" Teacher Cathy rolled her eyes. "Dali! Baka pumasok agad sa loob!" sabi niya. Napilitan kaming lumapit sa kanya at tinuro niya iyong sa baba. Kung saan may naka-park na sasakyan sa baba tapos may couple na nakasandal sa gilid ng sasakyan. "See? Do you think they're friends? I don't wanna gossip pero nakaka-curious why Erika lied. Nakikita mo bang magkaibigan 'yang dalawa?" Teacher Elle said. "Hmn... something is wrong with her statement. Mukha ngang hindi sila magkaibigan lang. Kasi hinahalikan siya sa pisngi!" ani ni Teacher Cathy. Nanliit ang mga mata ko. Pamilyar kasi sa akin iyong babae na nakasandal sa sasakyan habang nakakulong siya sa pagitan ng braso nang lalaki. Namilog ang mga mata ko dahil sa bawat paggalaw nito ay mas nakikita ko kung sino talaga siya. Ganoon na lang ang pagsinghap ko nang mag-angat ito ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Mary Anne—ang asawa ni Axel Montero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD