KABANATA 4:
NAPAURONG ako dahil sa nakita. Hindi ako makapaniwala. Si Mary Anne pa rin ba talaga 'yon?
"Bakit? Kilala mo?" tanong agad ni Teacher Cathy. Napalayo kaming lahat sa bintana dahil nahuli na kaming nakatinging tatlo sa ibaba—partikular sa dalawa.
Natigilan ako saglit. I am contemplating whether I'll tell them or not but in the end. I chose to close my mouth. Umiling ako.
"Hindi. Kamukha lang pala. Hayaan niyo na sila. Let's all go home," yaya ko sa kanila at nauna na akong lumabas sa room.
Hindi naalis sa isip ko 'yong nasaksihan ko kanina. I caught her cheating! Altough, I'm not close with them. Hindi mawala sa isip ko 'yon dahil kilala ko silang dalawa. We also have the same circle of friends.
I kept my mouth shut. Hindi ako makikialam. It's their life, not mine. I don't know if Axel knew about her wife's affair with another man, but it's not my concern anymore. It's been a month since the last time I saw her.
Pero lagi kong naririnig sa mga kasama ko na sinusundo si Erika nang ate niya na si Mary Anne kasama ang boyfriend nito tuwing may class siya nang Friday. Hanggang sa natapos ang training niya sa school ko ay topic pa rin ang ate ng estudyante namin.
"She was actually married. Now I know. Kaya pala friends sila kapag tinatanong kasi married 'yong girl. My gosh, I don't know why some women do that. That's adultery," sabi nang isa kong teacher habang nasa pantry sila at kumakain nang snack.
I decided to have some coffee, and their topic was about her again.
"Hindi naman natin alam if she had s*x with her boyfriend. Saan mo nalaman?" tanong nang isa kong kasama.
Napatingin sila sa akin nang pumasok ako sa loob at natigil sa kwentuhan.
"Don't mind me," sabi ko na dahil binibigyan ko sila ng senyales na magpatuloy sa pagkukwento.
Nagtimpla ako nang sarili kong kape. I don't have secretary to do this for me. Kaya ko pa naman ang trabaho at hindi pa ganoon kalaki talaga ang business ko.
"And 'yon nga nabanggit nito ni Teacher Che na naalala niya 'yong nag-trending sa internet. Iyong magandang wedding proposal. Siya pala 'yon! Ate ni Erika. Binalikan namin 'yong post. Siya nga!" Teacher Elle.
"Oo! Bakit pa siya naghanap nang iba ang gwapo na nang asawa niya!" sbai naman ni Teacher Che.
Tumabi ako kay Teacher Cathy habang nilalapag ang kape at nakikinig sa usapan nila. Women loves to gossip. I know it's not good to talk about others life pero naging nature na nang tao na maging opinionated sa ginagawa nang iba. Hinahayaan ko sila at nakikinig lang ako. I don't say any comments or opinions about the topic. Sometimes, alam naman nang tao kung anong dapat gawin pero hindi rin naman nangyayari. Nahihirapan i-apply sa sarili.
"Sometimes, may pagkukulang ang isa kaya natutukso pa sa iba. Anyway, nakakabusog ang chismis. It gives spices in our life," sabi ni Teacher Ursula.
Nagtawanan silang lahat ako naman ay napagisi habang umiinom nang kape. We have thirty minutes break. Mamaya babalik sila para magturo sa susunod na class. Ako naman sa office para balikan ang naiwang trabaho.
It was Saturday when Megan asked us all if we were free on Sunday night. Kahit na ayokong umalis dahil may pasok na ako kinabukasan. Um-oo ako dahil bihira lang kaming magkakasamang apat. Pumayag ako.
"It's good to see you again!" Stacy kissed my cheeks.
I chuckled.
"You look good! I like your dress!" puna ko dahil kumikinang ang suot niyang black glittery dress.
Umikot pa sa harap ko si Stacy habang may hawak na wine glass. Sobrang ingay nang EDM kaya hindi ko marinig ang sinasabi ni Megan.
"What?!" I shouted. Niyakap niya ako at nakipagbeso tapos ay nagsalita.
"Sabi ko how are you!" aniya kaya natawa ako.
"I'm good!" sagot ko at niyakap si Cassy na mas pumayat pa nga yata ngayon kaysa sa huli naming pagkikita.
"You're so thin! Oh my god!" sabi ko sa kanya.
"I need to! My agency required me to have this ideal weight. Hindi rin ako masyadong iinom. I’ll fly back to Milan the next day to prepare for the fashion week,” sabi niya kaya tumango ako.
Matagal na rin bago kami nakumpleto. Hindi tulad noon. Sa isang linggo, tatlong beses kami nagkikitang apat to hang out lang. Just to have fun.
“Gosh, I miss this!” sabi ko. Hindi na kasi ako nahilig sa night out simula nang hindi ko na sila nakakasama.
Nagkukwentuhan kaming apat nang nagkagulo sa kabilang table. Naghihiyawan sila dahilan para mapatingin kami doon.
“Oh, the married couple is here!” sabi ni Megan. Kilala namin ‘yong dalawa kaya syempre natuwa rin na kasama namin sa club ngayon.
Pinagmamasdan ko lang si Axel na katabi si Mary Anne. Naka-angkla ang kamay nito sa braso nang asawa habang isa-isang bumabati sa mga kasamahan nila sa kabilang table.
Nagsasalita si Stacy pero wala akong maintindihan. Hindi lang dahil sa maingay sa tugtog kundi dahil focus ang mga mata ko sa dalawa.
I don’t know what to feel to her. A part of me is disappointment and shock. Kinikilabutan ako nang makita kong dinantay ni Mary Anne ang ulo niya sa balikat ni Axel. Like... Oh my goodness!
I know you are cheating on him. How could you act so sweet in front of him... In front of everyone when you are clearly cheating on him?
How can you sleep peacefully while doing a sin? Wala ka bang konsensya?
You are a teacher. You should be a role model, but... damn! You are messing up your life!
Napainom ako ng shot. Somehow, I felt sad for Axel. He doesn’t know anything. Kasi kung alam niya, kahit sino. Hindi kaya maging...
Urgh!
I rolled my eyes when I saw his sweetness towards her wife.
“Where are you going?” Cassy asked.
“Bathroom,” I answered.
Binabalik ko pa ‘yong mini tissue ko sa bag. I always bring tissues and wipes. And one of my addiction is to collect different kinds of wipes. Masyado akong OC.
“Hi! Can I have your one minute, Sofia?”
Nag-angat ako ng tingin at ang sumalubong sa akin ay si Marry Anne Montero.