KABANATA 143

1079 Words

NAKATITIG lang ako sa batang lalaki na pinapakilala ni Axel sa mga anak ko. Umiwas ako ng tingin. Nakikita ko minsan si Mary Ann sa kanya. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang maliit na kamay ni Inka. "Girls, this is Kuya Jairus. Jairus, ito si Misha, kasunod mo siya..." inisa-isa na ni Axel ang pagpapakilala. Excited ang mga anak ko kahapon pero ngayon para bang nahihiya silang lahat at si Jairus hindi masaya. Halatang galing sa iyak at namumula pa ang mga mata. Matapos kasi na makuha ni Axel ang custody ng bata ay inuwi niya na agad ito. Alam ko na nagka-usap na sila ni Mary Ann at naipaliwanag na sa bata pero asahan pa rin naming mahihirapan itong humiwalay sa nanay niya. Eight years din iyon at hindi biro talaga. May bagpack pa itong suot pero nakanguso. Halatang nakasimangot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD