HINDI madali amuin ang bata sa totoo lang pero nagtiyaga lang kami lalo na si Axel kaya unti-unti ay naging okay ang mga bata. I was on my third trimester at magpapa-ultrasound ulit nang mag-decide kami ni Axel na alamin na ang gender. The last time kasi na nagpa-ultrasound ay hindi namin inalam ang gender. Kaya lang nagbago ang isip naming dalawa sa paglipas ng araw. Ang nasa expectation pa rin namin babae pa rin talaga. Hindi na kami bumili ng bagong gamit kasi until now okay pa rin ang mga pinaglumaan ni Eunice. "Sa bahay na. Mag-antay ka diyan," biro ko kay Axel dahil hawak ko na ang ultrasound. Kinukulit niya ako sa resulta pero ayaw kong buksan ang sobre. Sinabihan rin namin ang OB ko na huwag munang sabihin para surprise din sa amin. Gusto ko kasi na kasama ang mga bata kapag tit