TINIGNAN niya ako sabay tanong. "Wala? Are you sure?" he asked me. Nakangiti siya maging ang mga mata. Nabigla ako dahil para bang nang-aasar siya. "Wala naman talaga," sabi ko sabay baling sa Mommy niya na nakangiti pero pinapanuod ng mabuti ang galaw ng anak niya. Axel shrugged and sat beside me. Naging busy iyong mga kasama namin dahil sa dumating na kamag-anak nila at kinausap iyong Mommy at Daddy niya. Binalingan ako ni Axel. Sinamaan ko siya ng tingin ng nilagyan niya ng carbonara ang plato ko. "Ayoko. Busog na ko," mahina kong sabi. "Kaunti lang kinain mo," sabi niya at walang pakialam pa rin sa ibang tao. Napatingin nga sa amin iyong kapatid niyang lalaki sa amin. Hindi ko na nagawang makipagtalo baka maagaw pa namin ang atensyon ng mga kasama sa table. Axel excused himself