HINDI ko na nakita ang reaksyon niya dahil nagdire-diretso ako sa main door. Panay ang salita niya habang nakasunod sa akin. "I couldn't sleep because you're not still at home." Binuksan ko 'yong ilaw. Hindi ako sumagot pero tikom na tikom ang bibig ko. Pinipigilan kong ibuka dahil unti-unti ko nang nararamdaman 'yong hindi makapag-isip na naman ng tama at baka bumuga ako ng mga salitang hindi ko napag-isipan na. "Akala ko uuwi ka rin agad. Did you went to the club? Ang tagal ng dinner mo," reklamo niya habang nagtatanggal ako ng sandals ko. "Iwan mo sa 'kin 'yong susi. Go home and sleep," sabi ko matapos matanggal ang isang sandals. "And why would I do that? Paano ako papasok dito kung wala ka? Tapos may kailangan ako?" pagmamatigas niya. Nakaabang pa siya sa akin sa harap. Tinangga