ALL my friends visited me a month after giving birth. They made sure na kumpleto muna sila before they finally decided to see Misha. We had video calls naman before. Isang linggo pa lang akong nanganganak no'n. They all giggled seeing her for the very first time—in person. "Oh, god! She's really a girl version of him. Look at her—oh! She smiles! Dali picture-an mo!" Cassy panicked. Panay ang tapik niya kay George. Good thing that my daughter is not a cry baby. Kahit na maingay sa paligid, tulog pa rin siya. Nagkakagulo kami sa living area habang nasa stroller si Misha. Walang malay na pinagkakaguluhan ng mga ninang niya. Nagtawanan kami lahat ng ngumiti ulit si Misha at nakailang picture din sila Cassy. Kanya-kanyang shots sila Megan habang dinudungaw ang sanggol. "Grabe, you're still