MOM and I started to communicate with each other. She would check on me everyday. Kaya pakiramdam ko napunan din ‘yong ilang buwan na hindi namin pag-uusap. “Yup, kagagaling lang po,” sabi ko sa kanya nang tanungin ako tungkol sa check up ko kanina. Saglit akong sinulyapan ni Axel pero dumiretso na rin agad sa bathroom. “I’m gonna pop any time soon. We’re starting to pack things na rin. Si Axel ang nag-a-ayos. Mas excited sa akin.” Humagikgik ako. “Don’t forget your things too—” “Teri!” Napatingin ako sa cellphone at medyo nagulo pa ‘yong sa camera dahil tumayo si Mommy. “I’ll call later,” aniya at pinatay ang tawag. Huminga ako ng malalim. Alam ko namang si Daddy ‘yon. Kapag nag-uusap kami ni Mommy ang madalas na nakikisali kapag nariyan ay mga kapatid ko pero never ang Daddy ko.