I was crying the whole time Stacy was walking down the aisle. Dinaig ko pa 'yong mommy niya sa pag-iyak na akala mo ako iyong sobrang apektado na ikakasal na si Stacy. Panay nga ang sulyap sa akin ni Axel. Hindi siya mapakali at napapantastikuhan sa reaksyon ko. Nasa kabilang side pa man din siya dahil naroon ang mga boys. "What?" he mouthed when I looked at him. Umiling ako at nagpahid ng luha sa gilid ng aking mga mata. "Oh, jesus! You can't stop crying..." bulong ni Megan at humahagikgik na sa gilid ko. Siniko ko siya at natatawa na rin. Hindi ko rin maintindihan. Basta naiiyak ako sa tugtog at pagka-solemn ng buong ceremony. Natigil lang ako nang natapos na at pinapunta na kami sa reception habang ang couples ay nag-pictorial muna. Mabilis na pinulupot ni Axel ang mga braso niy